Saturday, February 13, 2016

ANG BUHAY SEAMAN

Nasubukan mo nabang sumakay ng barko? Ano ang iyong naramdaman?, nong nag-aaral kapa iniisip mo ba kung anong kurso ang nababagay sayo na alam mong makakabuti at maaabot mo ang mga pangarap mo sa buhay at upang makatulong ka sa iyong pamilya?.. Isinulat ko dito ang ilang bahagi na naging expercience ko sa ilang taon ko palang na pagtatrabaho ko sa barko na sanay kapulutan ng aral at insperasyon sa lahat ng makakabasa nito lalong lalo na sa mga seaman at sa nangangarap na maging seaman at sa lahat ng kapwa ko ofw. Sabi nga ng iba ang seaman daw ay magandang kurso na nais maging seaman..Bakit nga ba?, una nalilibot mo daw ang magagandang lugar sa iba't-ibang bansa,padalawa malaki daw ang sweldo kung para sa iba at madaling mag payaman,isa yan sa naging batayan nila kung bakit itong kursong seaman ang gustong kuhaning kurso ng mga magulang para sa kanilang mga anak.Marahil tama nga naman ang ating mga magulang sino ba namang magulang ang hindi mapabuti ang kanilang anak para sa kanilang piniling profission o kurso..May tanong ako sayo? Noong sa sakay kapalang ng barko nasabi mo ba sa sarili mo na buo na ang loob mo,handa ng harapin ang mundo alang-alang sa pamilya,sa mga pangarap at para sa sarli,kaya panahon na para maglakbay? Sa wari ko ay hindi oo hindi,dahil excited kana makasakay ng barko..Ganyan din ako!!.. Hindi rin naging madali sa akin ang kursong ito,Nang makatapos ako ng colleges.Kinailangan ko ding magsacrifice para makasakay ng barko.Kung para naman sa iba pag ka graduate palang,alam na agad na sila ay makakasakay na ng barko,sila kasi ay may mga kakilala na tutulong sa kanila para makasakay agad.Ilang taon din ako bago nakasakay ng barko kinailangan ko ding mag ipon para sa mga training o requirements na hahanapin agad sa akin kung mag aaplay ako sa mga agency na aaplayan ko,nag trabaho din ako bilang factory workers dito sa Pilipinas sa cavite,naka ipon naman ako kahit konte at nakuha ko din yong ibang training na dapat kung kuhanin.Marami akong inaplayang agency,pero hindi ganon agad kabilis matanggap sa inaplayan ko.Ang unang tatanungin sayo, kung may experience kana sa pag babarko kung firsttimer kapalang o di kaya'y may US visa kaba?at ang sasabihin sa iyo ay tatawagan kanalang kung may bakante na sila sa position na inaaplayan mo.Nakailang buwan din ako bago ako natanggap sa company at ilang buwan pa ako bago nakasakay ng barko dahil sa nag utility ako sa opisina na inaplayan ko.Kilangan mong maging matiyaga at may diterminasyon kang maabot ang mga pangarap mo sa buhay at pananalig sa Diyos. KABAYAN!!!..kumusta ka?Anong company mo?Saan ka sa atin sa Pilipinas.Ito ang kalimitan natin itinatanong sa ating kababayan kapag nagkikita tayo ng kapwa pilipino saan mang lugar sa ibang bansa.Masarap sa pakiramdam na makakita ka ng kababayan na piling mo nasa Pilipinas kana lalo na kung ikaw ay nakakapag shore leave.Subalit ang pag shore leave ay limitado ang oras dahil kina kailangan mo nang bumalik sa barko dahil oras na ng duty mo.Kung iisipin mo parang ayaw mo nang bumalik sa barko, pero hindi pwedi kilangan mo talagang bumalik dahil nag iintay na sayo ang kapalitan mo sa duty.Sa halos humugit kumulang limang taon kung pagtatrabaho sa barko naranasan ko na ding humarap o makipag-usap sa iba't ibang lahi ng tao kilangan mo ding intindihin ang sinasabi nila kasi may mga iuutos sila sayo na dapat mong gawin sa oras ng trabaho mo.Ang pag si seaman marami kang mararanasang hirap gaya ng ganitong sitwasyon lamig,init,lungkot,pangungulila,alon,pagod pirata,masamang ugali ng kasama mo.Pangungulila na malayo ka sa iyong pamilya at wala ka sa piling ng mga anak mo habang lumalaki sila.Maraming alon ang mararanasan sa dagat kahit na nahihilo kana at nasusuka tuloy parin ang trabaho,magdamag na walang tulog,laging puyat at kahit anong oras gigisingin ka.Kapag nagbabarko ka ang iyong isang paa ay nasa hukay kung wala kang pag iingat sa sarili mo,at kung mamalasin ka mapipirata kapa.Ang ganitong sitwasyon sa barko ay normal na,sa iniisip ng iba kisa naman magutom ang pamilya,kaya magtiis nalang ika nga alang-alang sa pamilya at mga anak. Subalit ang pag si seaman ay hindi habang buhay kang nagtatrabaho sa barko,gaya ng iba tayo ay tumatanda din.Kaya dumarating tayo sa panahon na dapat mamahinga o irelax natin ang katawan natin na kasama ang ating pamilya.Ang tanong?Sa ilang taong pag tatrabaho mo sa barko may sapat o higit ka bang naipon para sa retirement mo?Ito ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit nagiging problema natin pagtayo'y tumigil na sa pagtatrabaho ang hindi natin napapaghandaan o napapag ipunan ang retirement na disensanay pang gastos sa araw-araw na panganga ilangan paghindi na tayo sumasakay ng barko o pagiging ofw natin.Kasi ang nang yayari sa ating mga ofw pag naka pagbakasyon sa Pilipinas tayo ay nagiging one time millioner bigay dito bigay doon ng mga pasalubong sa ilang taon o buwan mong pinag ipunan.Hindi naman masama ang magbigay o tumulong sa kapwa pero iisip naman natin ang sarili natin pagdating ng panahon kung wala na tayong lakas ng katawan para mag trabaho o yong tinatawawag nating active income.

No comments:

Post a Comment